Larawang sanaysay
Ito ang larawang hindi ko makakalimutan kasi minsan lang ako sumasama sa mga piestahan sa ibang barangay at may nangyaring hindi ko inaasahan ng pauwi na kami. Dahil pagbaba namin galing sa bahay ng may okasyon ay may naganap na barilan sa dadaanan amin ilang metro lang ang layo namin sa napangyarihan at sa pagpatuloy namin sa pag lakad pauwi nadaanan ko ang bangkay ng pinatay na isa palang kapitan sa lugar na iyon. Ito ang larawan kung saan sumali ako ng isang palaro sa aming barangay at nanalo ako sa ikalawang pwesto sa larong table tinnis. Na hindi ko inaasahan na mananalo ako sa patimpalak na iyon. Ito ang larawan kung saan mayroon kaming pupuntahan na isang kaibigan na matagal na naming hindi na kukumusta kaya nagkaisa kaming puntahan namin sa kanilang bahay.Hindi ko alam sobrang layo pala ng kanilang lugar na pupuntahan namin at dumaan pa kami sa isang tulay na mataas at medyo marupok na ang pundasyon kaya kinabahan ako sa mga oras n...